GOYO VS GOMA

GOYO VS GOMA

January 14, 2022 @ 12:33 PM 1 week ago


TILA magiging mabigat din ang labanan sa ikaapat na distrito ng Leyte.

Ito ay sina dating Comelec Commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal ang siya pala ang kalaban ni Ormoc City Mayor Richard Gomez para sa 4th congressional district ng lalawigan, kapalit naman ni Congresswoman Lucy Torres.

Bagama’t naging alkalde na si Richard at artista, mukhang mabigat din ang kanyang laban sa tahirang full-blooded Ormocanon.

Kung maglalabas tayo ng tale of tapes, sa unang tingin ay magiging dehado si Goyo dahil sa pagiging artista ni Goma.

Kaya lang, kung Tall Dark and Handsome si Richard, si Goyo naman ay Small Dark and Handsome.

Artistahin din itong si Goyo kapag nakita n’yo, lamang lang sa akin ng sampung paligo!

Si Goyo ay isang abogado de campanilla na noon pa man ay libreng tumutulong sa mga mahihirap sa Leyte at sa ibang parte ng bansa na dumudulog sa kanya.

Ang isang kahinaan ni Goma, hindi siya lehitimong taga-Ormoc na mabigat na timbang para sa mga mamamayang doon na tinubuan ng tahid.

Si Atty. Larrazabal ay anak ni former Ormoc Mayor Terry Larrazabal at former Leyte governor Inday Larrazabal.

Magandang bantayan ang battle royale na ito sa Leyte.

So mukhang matindi ang labanang ito kaya paniguradong mahihirapan si Goma sa kanyang magiging katunggaling  si Gregorio “Goyo” Larrazabal dahil kilala rin siya ng publiko sa kanilang bayan sa Ormoc.

Kaya panigurado na kaya siyang pabagsakin ni Larrazabal dahil sa angking talino nito kumapara sa talino ni Goma.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com