Grab delivery sa MM, bukas na 24/7

Grab delivery sa MM, bukas na 24/7

September 16, 2020 @ 11:31 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – 24 oras na ang serbisyo ng food at package delivery ng Grab Philippines sa Metro Manila, simula ngayong Miyerkoles, Setymebre 16.

Sa pahayag ng Grab nitong Martes, ang pagpapalawig ng oras ng serbisyo ng GrabExpress at GrabFood ay para mapagaan ang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga negosyo.

Ilan namang mga serbisyo ang hindi papayagan sa ibang ugar sa Metro Manila dahil sa polisiya ng ilang local government.

“GrabFood and GrabExpress will be observing local government’s curfew policies, and will not be delivering liquor beyond curfew hours,” anang Grab.

Makikita rito ang kompletong listahan ng mga negosyong bukas 24/7 sa: https://www.grab.com/ph/blog/grabfood-goes-24-7/. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...