GRAB, NAG-BACK DOOR ENTRANCE, INIIMBESTIGAHAN NG TWG

GRAB, NAG-BACK DOOR ENTRANCE, INIIMBESTIGAHAN NG TWG

September 12, 2022 @ 4:46 PM 3 weeks ago


APAT na Transport-Commuters Advocates, kabilang na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nanawagan sa Technical Working Group ng pilot test ng motorcycle taxi operation na imbestigahan ang diumano ay pagbenta ng Move It sa Grab upang ang huli ay makapasok sa Pilot Test ng motorcycle taxis.

Matatandaan na tatlo ang binigyan ng accreditation ng TWG na binuo ng Department of Transportation para mamasada bilang motorcycle taxis – Angkas, Joyride at Move It – habang wala pang batas.

Marami ang nag apply for accreditation pero tatlo lang ang nabigyan.  Pero ang balita ay ibinenta” na ng Move It ang kompanya nila sa Grab.

Mariing itinangi ito ng Move It at sinabing bentahan at naninidigan ito  na nananatiling sila  ang isa sa accredited company ng TWG at walang takeover ng Grab na naganap.

Pero anomang tanggi ng Move It ay kailangan nang magpulong ang TWG upang imbestigahan ito.

Imposibleng hindi interesado ang Grab na pumasok sa Pilot Test dahil ayon kay Ariel Lim ng National Public Transport Coalition at member ng TWG, nag-apply noon ang Grab pero hindi na accredit dahil “late” ang application.

Sabi pa ni Lim, dati na nilang intensyong pumasok at hindi tutol ang LCSP sa pagpasok ng mga bagong player sa motorcycle taxi industry pero dapat ay pagdaanan nila ang mahigpit na prosesong ipinatutupad ng TWG.

Hindi pwede ang backdoor entrance na gagamitin ang isa sa tatlong accredited companies nang hindi dumadaan sa proseso ng TWG.

Bawal bakas, bawal at huwag payagan na habang nasa pilot test pa ang motorcycle taxis.

Ang layunin ng Pilot Run ay hindi para sa negosyo kung hindi para bumalangkas ng polisiya in aid of legislation upang maisumite sa Kongreso at isabay na ang motorcycle taxis.

 Tanong? In aid of legislation ang pagpasok ng Grab?

Iyan ang dapat tingnan ng TWG habang maaga.  Isa ang LCSP na unang nagsulong na gawing ligal na ang motorcycle taxis maraming taon na nakalipas.

Kaya hindi maaring tumahimik lamang ang LCSP sa isyu na yan kung ito ay makapagpapaantala kapag isasabatas ng motorcycle taxi.

Okay ang kumpetisyon pero sana pagtapos na ng pilot run at may malinaw na polisiya na tulad ng pagbibigay prangkisa, ruta, pamasahe, safety precautions at iba pa.

Kaya’t panawagan ng LCSP, National public Transport Coalition, Arangkada Riders Alliance at Digital Pinoys – Imbestigahan ang Grab- Move It deal.

oOo  oOo

Atty. Ariel Inton

President, Lawyers for Commuters Safety and Protection

09178174748