Manila, Philippines – Pinagbabayad ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) ang Grab Philippines ng P10 million para sa labis na paniningil sa mga pasahero nito.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) communications director Goddess Libiran, ang kautusan ay inaprubahan kanina lamang sa pagdinig.
Bukod sa labis na paniningil, ang bayad na P10 million ay para rin sa ipinatupad na P2 per minute ng naturang transport network vehicle system (TNVS) nang walang pag-aapruba sa LTFRB. (Remate News Team)