Grab pwedeng imbestigahan sa ‘abuse of dominance’-solon
November 28, 2022 @ 12:45 PM
2 months ago
Views: 111
Remate Online2022-11-29T08:48:01+08:00
MANILA, Philippines – Sinabi ni Marikina 2nd district Rep. Stella Quimbo kamakailan na may kapangyarihan ang Philippine Competition Commission (PCC) na imbistigahan ang Grab Philippines dahil umano sa “abuse of dominance.”
Ito ay matapos kumpirmahin ng PCC sa isang congressional inquiry na patuloy na nag-overcharge ang Grab sa kanilang mga customers sa kabila ng commitment nito noong 2018 na hindi sila mag-overcharge.
Sa isang panayam sa radyo noong nakaraang linggo, sinabi ni Quimbo, na dating chair din ng PCC, na ayon sa batas, ang PCC ay may kapangyarihan imbestigahan ang Grab “for abuse of dominance given its substantial market share in the TNVS industry.”
“If you own at least 50 percent of the market shares, kunwari 51 percent, ikaw ay considered dominant. Ngayon, kung yung pagka dominante mo, pagka dambuhala mo na kumpanya ay nagamit mo para ang ending ay overcharging, pwedeng pumasok ang PCC para imbestigahan,” paliwanag ni Quimbo.
Ayon sa Marikina lawmaker ang kumpanyang napatunayang guilty of abuse of dominance ay maaring magkaroon ng stiff monetary penalties na maaring umabot ng daan-daang milyones.
Maliban dito, sinabi pa ni Quimbo mayroon awtoridad ang PCC “over mergers and acquisitions.”
Isa na dito ang maaring pag-oppose PCC ng sa merger ng dalawang kompanya kung mapatunayan nito na ang pagsanib ay maaring magresulta sa overcharging.
“Yung mabigat na power ng PCC, pwede nilang sabihin, ‘Magbreak na kayo. Ipinagbabawal namin ang kasal ninyo.’ Pwede nilang gawin yun,” ayon kay Quimbo.
Noong Agusto, inanunsyo ng Grab publicly na na-acquire na nito ang Move It business operations.
Ang Move It ay isang motorcycle-taxi hailing app, at isa sa tatlong kumpanya na nabigyan ng pagkakataon na maisama sa government’s motorcycle taxi pilot program.
Maraming transport at consumer groups ang umalma sa Grab-Move It merger dahil umano ang Grab ay sinusubukang maniobrahin ang patakaran at regulasyon ng gobyerno para maka pasok sa industrya ng motorcycle taxi.
Nangangamba ang mga grupo na ang pagsanib ng Grab-Move It ay mag-resulta sa overpricing at overcharging sa motorcycle taxi industry. Umayon naman ito sa mga sinabi rin ni Quimbo.
Sinabi ng dating PCC chair na siya rin ay nangangamba “that the sale of Move It to Grab has the potential to end up like the 2018 acquisition of Uber by Grab, which resulted in the latter dominating the TNVS industry and in effect, has raised fare prices.”
Nanawagan si Quimbo sa PCC na paigtingin pa lalo nito ang pagmo-monitor sa “Grab’s potential dominance in the motorcycle taxi industry.”
“Since nagkaroon ng ganung karanasan with respect to Grab sa TNVS, ang sinasabi ko baka naman magkaroon din ng ganyang ganap dito naman sa motorcycle taxi considering may potential sila to become dominant. Yun ang sinasabi ko na dapat pag aralan ng PCC kasi sa ganitong sitwasyon, ang PCC talaga ang merong jurisdiction. Sila ang makakapag sabi kung magkakaroon nga ng problema. Sila ang nag a-assess nyan and in the end sila ang dapat mag step in. Meron silang powers under the law na sabihin, ‘Grab, Move It dapat maghiwalay muna kayo’ kasi magiging problema kayo in the future,” paliwanag ni Quimbo. RNT
February 4, 2023 @5:00 PM
Views: 36
MANILA, Philippines- Magiging available ang receiving at returning ng mga package sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa nakatakdang paglulunsad ng private operator Light Rail Manila Corp. (LRM) ng unang smart locker system sa bansa.
Inihayag ng LRMC nitong Martes na nakipagkasundo ito sa Airspeed Group of Companies na mag-activate ng “PopBox” sa Pilipinas.
Ang PopBox ay isang smart locker system para sa contactless delivery at nagpapadali para matanggap ang mga package, ayon sa kompanya.
Nakatakdang opisyal na ilunsad ang smart locker system sa LRT-1 sa February 2023.
Sinabi ng LRMC na magsisilbi ang Airspeed Group na official logistics partner na nag-aalok ng PopBox fulfillment option sa mga kliyente nito gaya ng e-commerce platforms at small and medium enterprises.
Ayon sa kompanya, ikakasa ang PopBox smart lockers sa lahat ng 20 LRT-1 stations.
“The LRMC team is passionate about innovation. Driven by our shared mission to enhance the commuter experience and make it truly world-class, we want to make commuters feel like they are in a station that they might go to in other countries,” pahayag ni LRMC president at CEO Juan Alfonso.
“We aim to give our passengers a glimpse into our future, and we’re glad to partner with the Airspeed Group in making part of this vision happen,” dagdag niya. RNT/SA
February 4, 2023 @4:48 PM
Views: 38
MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang kustomer ng Maynilad Water Services Inc.ng water service interruptions mula February 4 hanggang February 7, 2023.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Las Piñas, Muntinlupa, Cavite, Parañaque, at Pasay City, ayon sa ulat nitong Sabado.
Sinabi ng Maynilad na apektado ang water service dahil sa mataas na raw water turbidity dulot ng Northeast Monsoon (Amihan) winds.
“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” anang kompanya.
Idinagdag nito na maglilibot ang mobile tankers sa mga apektadong lugar para mag-deliver ng potable water, habang maaaaring kumuha ng tubig ang mga kustomer mula sa stationary water tanks sa ilang lugar.
“We apologize for the inconvenience,” pahayag ng Maynilad. RNT/SA
February 4, 2023 @4:36 PM
Views: 45
MANILA, Philippines- Bumaba ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa 1.8% nitong Biyernes, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research nitong Sabado.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na batay sa Department of Health (DOH), mayroong 156 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes, 14 nasawi (1 sa NCR), 179 recoveries, at 9,626 active cases sa buong bansa.
Pinakamarami ang bilang ng bagong kaso sa NCR sa 53.
Sinabi ni David na 100 hanggang 150 bagong COVID-19 cases sa bansa ang inaasahang ngayong Sabado.
Nitong Enero, ang nationwide COVID-19 positivity rate ay 5.7%.
Hanggang nitong Biyernes, pumalo ang COVID-19 tally ng bansa sa 4,073,706, habang ang active infections ay tumaas sa 9,626. RNT/SA
February 4, 2023 @4:32 PM
Views: 39
MANILA, Philippines- Minamanmanan ang isang Philippine Navy warship ng dalawang Chinese Coast Guard vessels at dalawang Chinese maritime militias malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation sa Spratly Islands, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nagsagawa pa ang Chinese maritime militia “fishing vessels/boats” ng intercept course patungo sa Philippine Navy warship.
Nitong Feb. 1, nagbago ng direksyon ang BRP Andres Bonifacio sa kanluran sa paglapit ng China maritime militia vessels na halos walong kilometro, ayon kay security innovator Ray Powell.
Pasok ang Mischief Reef sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
Inihayag ni Balilo na nagsasagawa ang BRP Andres Bonifacio ng patrol at search mission.
Bagama’t nagmanman ang Chinese vessels, hindi ito nakialam sa operasyon at misyon ng BRP Andres Bonifacio. RNT/SA
February 4, 2023 @4:24 PM
Views: 41
MANILA, Philippines- Pinangunahan ng mga opisyal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang paggunita, araw ng Sabado sa ika-124 taong anibersaryo ng Philippine-American War.
Isang simpleng seremonya ang idinaos sa panulukan ng Sociego at Silencio Streets sa Sampaloc, Maynila para sa nasabing okasyon.
“The site is where the US’ 1st Nebraska Infantry Regiment first fired shots at Filipino forces on Feb. 4, 1899,” ayon sa NHCP.
“Despite Emilio Aguinaldo’s surrender to the American forces in 1901, Filipinos nationwide continued to fight for independence and staged resistance movements even as they lacked armaments. The war lasted until 15 June 1913 with Muslim resistance at the Battle of Bud Bagsak in Sulu,” dagdag na wika nito.
Ang naturang seremonya ay dinaluhan nina Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na nag-alay ng korona
sa lugar kasama si Captain Jonathan Salvilla ng Philippine Navy.
Ang ibang nag-alay ng bulaklak ay sina NHCP Officer-in-Charge Executive Director Carminda Arevalo, ACT Teachers party-list Representative France Castro, at Barangay Chairman Danilo Tibay ng Barangay 586, Zone 57.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si ACT Teachers-Philippines president Antonio Tinio, kamag-anak ni General Manuel Tinio, pinakabatang Filipino general na nakipaglaban sa Philippine-American War, sa pag-aalay ng korona.
Samantala, isang online exhibit na may titulong “Mga Himpilan at Kabisera ng Pamahalaan mula 1898 hanggang 1901” ang inilunsad ng NHCP Museo ni Apolinario Mabini sa Tanauan City, Batangas.
“The exhibit will feature the different capitals and seals of the Philippine government and the factors that led to the change of capitals from 1898 to 1901,” ayon sa NHCP.
Matatandaang, tinintahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11304 noong 2019, pagtatanda sa Pebrero 4 bilang special working holiday na tinawag na Philippine-American War Memorial Day “in commemoration of the sacrifice and bravery of the men and women who fought and died in defense of the Filipino nation during the Philippine-American war.” Kris Jose