‘Grace period’ sa utility bills ng mga apektado ng kalamidad isinusulong sa Kamara

‘Grace period’ sa utility bills ng mga apektado ng kalamidad isinusulong sa Kamara

December 13, 2022 @ 12:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihain ang isang panukalang batas na nagsusulong na mabigyan ng  “grace period” sa pagbabayad ng utility bills ang mga biktima ng kalamidad at iba pang natural disasters ang inihain sa Kamara.

Ang House Bill 6534 o Delayed Payment of Bills for Persons Affected by a State of Calamity Bill ay inakda nii Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado.

Layon nito na bigyan ng konsiderasyon ang mga apektado ng kalamidad, sa oras na maging batas, masasakop nito ang mga residente o negosyo sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity dala ng pananalasa ng bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan, tsunami at iba pang kaparehong pangyayari.

Ang mga utility bills na maaaring hindi agad mabayaran ay ang tubig, kuryente, telepono, internet, cable at iba pang katulad na bayarin.

Hindi naman tinukoy sa panukala kung gaano katagal ang moratorium o ang grace period na ibibigay.

Sinabi ni Bordado na ang Pilipinas ay madalas na tinatamaan ng mga sakuna at karaniwan na nawawala ang pera at kabuhaya  sa mga ganitong sitwasyon kaya nararapat na tulungan ang mga biktima at huwag na munang isipin ang kaniang bayarin. Gail Mendoza