Grade 10 student, 2 pa patay sa diarrhea

Grade 10 student, 2 pa patay sa diarrhea

October 25, 2022 @ 7:36 PM 1 month ago


SOUTH COTABATO- Tatlo na ang naitalang nasawi sa diarrhea outbreak sa Banga, South Cotabato kabilang ang grade 10 student, nitong Lunes sa nasabing bayan.

Ayon kay Dr. Cheron Gampon, head ng Emergency Room ng Socksargen General Hospital, nasawi ang tatlo dahil sa diarrhea matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagdumi at pagsusuka.

Inamin din ni Gampon na ang isa sa mga nasawi ay nagpositibo sa COVID-19 at positibo rin sa amoeba ang lumabas na resulta sa isinagawang pagsusuri sa mga nasawi.

Nakapagtala sila ng 70 katao ang biktima ng diarrhea at 40 sa mga ito ay naka-confine sa ospital at pawan mga taga Purok Spring, Barangay Lampari, Banga, South Cotabato.

Sa ngayon hinihintay na lamang ang resulta na ipinadalang water sample sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Mary Anne Sapico