Grade 10 student na dalagita, ginahasa saka pinatay

Grade 10 student na dalagita, ginahasa saka pinatay

October 14, 2022 @ 9:47 AM 1 month ago


CLAVERIA, Masbate- Basag ang bungo nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita matapos umanong gahasain at patayin ng kapitbahay nitong Miyerkules, Oktubre 12 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang sa pangalang “Ashley”, 15-anyos, at residente ng Barangay Cawayan, Claveria, Masbate.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad ang itinuturong suspek at hindi muna ito pinangalanan.

Batay sa report ng Claveria Municipal Police Station, dakong alas-7 ng umaga natagpuan ang bangkay ng biktima sa may kakahuyan ilang metro ang layo sa bahay nito.

Kwento ng lolo at lola ng biktima, Linggo ng umaga nagpaalam ang kanilang apo (biktima) na manguha ng kahoy para mayroon silang panggatong.

Subalit, kinagabihan ay hindi pa rin bumabalik sa kanilang bahay ang biktima kaya nag-alala na ang dalawang matanda at agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari.

Ilang araw ang nakalipas, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa kakahuyan at pinaniniwalaan ginahasa ito saka pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay sa ulo.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico