Grade 10 tumalon sa ilog, hindi pa nakikita; Search and rescue, ikinasa 

Grade 10 tumalon sa ilog, hindi pa nakikita; Search and rescue, ikinasa 

July 19, 2018 @ 2:29 PM 4 years ago


 

Malabon City – Isang Grade 10 student na binatilyo ang nalunod matapos hindi na ito lumutang sa malalim na ilog habang naliligo makaraang tumalon sa tulay kasama ang mga kaibigan nito at kapatid kahapon ng hapon sa Malabon City.

Napag-alaman na ang biktima ay 15 anyos, Grade 10 student ng Hernandez National High School at residente ng Barangay Catmon sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, pasado ala-1:00 ng hapon masayang naliligo ang biktima kasama ang mga kaibigan nito para maligo sa malalim na tubig ilog sa Maysilo Tinajeros.

Base sa salaysay ng saksi na si Nicole Dave Yu, 20, construction worker, nagkatuwaan ang mga ito para tumalon sa tulay kasama ang nakakatandang kapatid ng biktima.

Matapos na tumalon, ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi na nakitang lumutang pa ang biktima.

Dahil dito agad ipinaalam ng saksi sa Police Community Precinct (PCP 9), na agad namang nagsagawa ng search and rescue operation kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng biktima na pinaniniwalaan ng nalunod at inanod na ng  malakas na agos ng nasabing ilog. (Roger Panizal)