Grade 11 student, 4 taong ginahasa ng durugistang ama

Grade 11 student, 4 taong ginahasa ng durugistang ama

February 16, 2023 @ 4:55 PM 1 month ago


Bulacan – Arestado ang durugistang ama sa kasong paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 17-anyos na anak sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang suspek na si alyas Sergio, 48, habang itago sa pangalang “Chelsy” ang biktimang Grade 11 student.

Sa report ng Hagonoy police, nangyari ang huling insidente ng panghahalay bandang alas-4:30 ng hapon nitong Enero 27, taong kasalukuyan.

Ayon sa report, sinimulang gahasain ng suspek ang biktima noong siya ay 13 taong gulang pa lamang at sinasaktan kapag tumatangging makipagtalik.

Sinasabing bandang alas-8:30 ng gabi nitong Pebrero 7, naaresto ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 Section 5 and 11.

Dahil dito, nagkalakas ng loob ang biktima na sabihin sa mga kaanak ang mapait na dinanas niya sa kanyang ama habang nasa ibang bansa ang kanyang ina.

Agad na sinamahan ng amain ang biktima sa pulisya para sampahan ng kaso ang kanyang sariling ama.

Nahaharap ang suspek sa mga kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III