Grade 2 minolestiya sa sagingan ng 13-anyos

Grade 2 minolestiya sa sagingan ng 13-anyos

August 16, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


RIZAL, CAGAYAN-Minolestiya ang isang grade 2 pupil ng kanyang kababayang 13 anyos na first year high school student sa liblib na lugar sa Barangay Mabbang Rizal Cagayan.

Inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Lea, anyos ang suspek na itinago sa pangalang Cris dahil sa ginawang kahalayan sa kanya.

Batay sa pahayag ni Lea nagyaya ang suspek sa kanila kasama ang kanyang nakababatang kapatid para sila maglaro hanggang sa napunta sa sagingan.

Nang makakuha daw ng pagkakataon hinila niya ang biktima at saka pinahiga.

Nagtanggal ng pang ibabang damit si Cris at inalis din ang saplot ni Lea at saka pinatungan.

Pagkatapos maisakatuparan ang nagliliyab na pagnanasa ni Cris sa bata, binantaan daw nitong papatayin siya kasama ang kanyang kapatid kung magsusumbong sa mga otoridad at sa kanilang magulang.

Lumabas naman sa resulta ng medical examination kay Lea na walang nangyaring penetration taliwas sa kanyang alegasyon.

Pansamantalang pinalaya din daw si Cris at pina-custody sa kanyang mga magulang.

Sa ilalim ng batas, hindi pa pwedeng ipakulong ang isang menor de edad na law offender. Rey Velasco