Grade 4 ginahasa na, pinatay pa; bankay sinako, tinapon sa sapa

Grade 4 ginahasa na, pinatay pa; bankay sinako, tinapon sa sapa

March 5, 2023 @ 3:15 PM 3 weeks ago


MISAMIS ORIENTAL– KAAWA-AWA ang sinapit ng isang grade 4 pupil na batang babae matapos gahasain ang patayin ng kapitbahay, noong Miyerkules sa Claveria City.

Kinilala ang biktimang si Sofhea Irenver Bual, 10-anyos at residente sa Sitio Banban, ng nasabing lungsod. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ariel Limas, 28-anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Claveria Police Station commander Police Maj. Melchor Annaway, natagpuan ang bangkay ng biktima sa may sapa na nakabalot sa sako.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima pagpasok sa paaralan subalit pagsapit ng tanghali ay hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.

Kwento ng ama ng bata, noong araw lamang na iyon hindi niya na-sundo ang anak sa paaralan subalit hindi na ito nakauwi pa kaya nagsumbong na ito sa pulisya.

Makalipas ang dalawang araw, lumutang ang suspek at umamin sa pulisya na ginahasa niya ang bata saka pinatay at itinuro nito kung saan nito inilibing ang bangkay.

Sa pagresponde ng pulisya sa may sapa ilang metro ang layo sa bahay ng biktima nahukay nila ang bangkay nito na nakabalot sa kumot saka naman ibinalot pa sako at inilibing.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal ang suspek./Mary Anne Sapico