Grade 7 student natagpuang patay sa damuhan

Grade 7 student natagpuang patay sa damuhan

October 10, 2022 @ 12:15 PM 2 months ago


BASEY SAMAR- Inaalam na ng mga awtoridad kung ginahasa bago patayin ang 12-anyos na neneng matapos matagpuan ang bangkay nito sa damuhan nitong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Gelieca Lacaba, grade 7-student at residente sa Basey, Samar.

Sa inisyal na report ng Basey Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon natagpuan ang bangkay ng biktima damuhang bahagi ng Barangay San Antonio, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakita ang biktima Oktubre 5, papuntang paaralan sa Simeon Ocdol National High School para gumalot ng Teachers’ Day.

Subalit, hindi na ito nakauwi pa sa kanilang bahay ng 4 na araw hanggang sa hinanap ito ng kanyang mga magulang at bangkay ng ito ng matagpuan sa damuhan.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa krimen. Mary Anne Sapico