Pangasinan – Natimbog ng pulisya ang isang Grade 8 student makaraang mahulihan ito ng marijuana na ipinuslit sa kanyang paaralan sa Laoac City, Pangasinan.
Pormal nang nai turn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 15-anyos na lalaking suspek nang iendorso ito ng mga awtoridad.
Ayon sa report, agad dinala sa himpilan ng Laoac police ang estudyanteng itinago sa pangalang “Junjun” ilang sandali ng makita ng mga guro ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang sigarilyo sa loob ng kanyang bag.
Mismong mga guro nito sa pinapasukan na paaralan sa Barangay Calmay ang nagsumbong sa pulisya.
Isinailalim ng mga awtoridad sa interogasyon ang menor de edad upang malaman kung saan at kanino nito kinukuha ang nabanggit na iligal na droga. (Jeff Gallos)