Grade 8 student, nangamote sa modular learning nagbigti

Grade 8 student, nangamote sa modular learning nagbigti

October 16, 2020 @ 4:40 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

CEBU CITY- Isa na namang estudiyante ang nagawang wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti dahil nahihirapan sa kanyang learning modules sa lungsod na ito.

Wala nang buhay nang matagpuan ang 13-anyos na binatilyo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay General Climaco, Lingsod ng Toledo, Cebu.

Ayon kay PLtCol. Junnel Caadlawon, hepe ng Toledo Police Station, mismong ang nakababatang kapatid ang nakakita sa biktima na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklara na ring patay.

Kuwento ng ina, madalas na nagsasabi ang anak na magpapakamatay  dahil sa hirap sa modular learning, dagdag pa ang kahirapan nila sa buhay.

Matatandaan na kamakailan lamang din ay nagpakamatay ang grade 10-student dahil rin sa kaparehong problema./Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...