Grade 9 tigok sa nahulog na bike sa bangin

Grade 9 tigok sa nahulog na bike sa bangin

February 28, 2023 @ 8:47 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang Grade 9 student matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan niyang bisikleta sa Bangued, Abra.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ang 14-anyos na biktima na nag-overshoot sa matalim na kurba ng kalsada na naging dahilan upang mahulog ito sa isang talampas na may sampung metrong lalim.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sinabi ng pinsan ng biktima na maaari na ang sirang preno ng bike ang posibleng sanhi ng insidente. RNT