Graduating student bangkay na nang matagpuan sa mini dam

Graduating student bangkay na nang matagpuan sa mini dam

November 29, 2022 @ 7:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na nakamartsa pa sa inaasam-asam na pagtatapos sa kolehiyo ang 22-anyos na babae matapos na makita ang bangkay nitong palutang-lutang na wala nang saplot pang-ibaba sa mini dam sa Bugallon, Pangasinan.

Base sa ulat, makikipagkita lang ang biktima sa kanyang mga kaibigan pero hindi na ito nakauwi pa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan bago nakita ang kaniyang bangkay.

Ipinatawag na ang mga kaibigan ng biktima, maging ang lalaki na itinuturing “person of interest’ na sinasabing maghahatid sana sa biktima pauwi ng bahay.

Isinailalim sa awtopsiya ang katawan nito upang alamin ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. RNT