Graft charges vs ‘Pastillas scam’ respondents kinuwestiyon

Graft charges vs ‘Pastillas scam’ respondents kinuwestiyon

July 11, 2022 @ 4:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilipat ng Sandiganbayan ang arraignment sa mga akusadong indibidwal sa kontrobersyal na “pastillas scam” matapos kwestiyunin ang desisyon ng Ombudsman na maghain ng kaso sa laban kanila sa anti-graft court.

Sa resolusyong may petsa na Hulyo 6, 2022, ini-reschedule ng Sandiganbayan 7th Division sa Setyembre 9 ang arraignment na dapat sana ay noong BIyernes para sa lahat ng akusado maliban kay Jeffrey Dale Ignacio na hindi pa nakapaghahain ng kanyang bail bond.

Inilahad ng korte na ilang mosyon ang inihain ng mga akusado na naglalayong ipagpaliban ang arraignment dahil nakabinbin pa ang kanilang motions for reconsideration na inihain sa Ombudsman.

Gayundin, hiniling ng prosekusyon sa korte na resolbahin ang 19 motions for reconsideration na isinumite sa Ombudsman.

Sinabi naman ng korte na binigyan ang prosekusyon ng 60 araw para iresolba ang motions for reconsideration.

“It is to be noted however that the deferment or suspension does not signify that the court is bound by the resolution of the Ombudsman as jurisdiction, once acquired by the court, is not lost despite a contrary finding by the prosecution,” pahayag ng korte sa resolusyong insyu ni Division Acting Chairperson Zaldy Trespeses, sang-ayon kina Associate Justice Georgina Hidalgo at Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Nahaharap sa kasong graft ang 51 indibidwal mula sa Bureau of Immigration sa umano’y pakikibahagi sa modus kung saan madaling nakapapasok ang mga dayuhan sa bansa kapalit ng perang ibinalot sa papel kagaya ng “pastillas”.

“From the foregoing, the court finds that the attempt made by the Ombudsman to serve notice to accused fall short of the due process contemplated by the law, and thus, accused was deprived of the opportunity to controvert the accusations hurled against her,” paliwanag pa ng korte. RNT/SA