Grand Lotto 6/55, 6/42 jackpot ‘di pa rin nasusungkit

Grand Lotto 6/55, 6/42 jackpot ‘di pa rin nasusungkit

November 20, 2022 @ 9:58 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Wala pa ring nanalo sa jackpot prizes ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa isinagawang pagbola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Nobyembre 19.

Sa naturang draw, ang winning combination ng Grand Lotto ay 27-54-03-46-45-25 ay hindi pa rin nasusungkit para sana sa jackpot prize na P29,700,000.

Sa kabila nito, mayroon namang apat na mananaya ang mag-uuwi ng P100,000 makaraang makuha ang second prize nito at 322 mananaya naman ang nanalo ng P1,500 bilang third prize.

Samantala, 34-14-29-19-28-36 naman nag lumabas sa Lotto 6/42 para sa jackpot prize na P17,259,657.80 na naging mailap pa rin sa mga manlalaro.

Tatlumput-isang mananaya naman ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P24,000 at 1,084 bettors ang mag-uuwi ng P800 sa third prize.

Nagpaalala naman ang PCSO na mayroong isang taon na palugit sa mga nanalo upang makuha ang kanilang papremyo. RNT/JGC