‘Graying’ population ng Pinas dapat paghandaan

‘Graying’ population ng Pinas dapat paghandaan

August 17, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dapat na maghanda na ang Pilipinas para sa “graying” population bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga senior citizens o lolo’t lola.

Sinabi ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez na dapat na magtatag ng batas para tugunan ang aging population kasunod ng pinakabagong Philippine Statistics Authority (PSA) report na nagpapakita ng pag-doble ng bilang ng senior citizens sa nakalipas na dalawang dekada.

Mula 4,565,560 na napaulat noong 2000, ang indibiduwal na may edad na 60 pataas ay pumalo na sa 9,222,672.

Inaasahan ng POPCOM na ang pigura ay patuloy na tataas mula taong 2035 hanggang 2040 kung saan aabot ng 19 milyon, sapat na para ikunsiderang “graying” ang populasyon ng bansa.

“Lumiliit, kumikipot ‘yung mga mas bata at lumalaki ‘yung ating working and senior population,” ani Perez.

“The population of Filipino children aged 0-15 years old likewise grew during the same period. A total of 33,414,245 were reported in 2022 while 28,313,897 individuals were recorded in 2000,” ayon sa PSA.

“The live births in the country are dwindling down to the lowest percentage recorded at 8.7 percent in 2020. This report is posted as the United Nations Development Program data shows that the average life expectancy in the Philippines improved to 79 years old in 2019, in contrast to 66 years old reported in 1990,” dagdag na pahayag ng PSA.

Para naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tinatayang may 50% ng senior citizens sa bansa ang indigents. Habang 80% naman nito, ayon sa POPCOM ay walang social pensions.

“Mag-set aside ng more resources for our seniors. Otherwise, we will have to pay for it through higher healthcare costs and social services,” dagdag na pahayag ni Perez.

“It should be not just the Commission, but everyone. It should be local government, national government,” ayon naman kay National Commission of Senior Citizens Chairperson Franklin Quijano. Kris Jose