Green Building Act: Mandatory na pagtatanim ng puno sa mga gusali lusot na sa ikalawang pagbasa

Green Building Act: Mandatory na pagtatanim ng puno sa mga gusali lusot na sa ikalawang pagbasa

June 18, 2018 @ 2:36 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang Green Building Act.

Sa ilalim ng House Bill 7373 ay mandatory na sa mga gumagawa ng mga gusali, commercial industrial, at public buildings na magtanim ng puno sa kanilang gagawing istraktura sa layuning magkaroon ng balanced at healthful ecology.

Sa oras na maging batas ang lahat ng mga kukuha ng permit para sa konstruksyon ng mga gusali ay kinakailangang magsumite din ng Tree Planting Plan bago sila mabigyan ng building permit, kung wala umanong plano para sa pagtatanim ng puno ay magiging basehan ito para hindi maaprubahan ang aplikasyon.

Ayon sa Kamara ang Green Building Act ang siyang tugon para ma-mitigate ang epekto ng climate change at ma-preserve ang kalikasan sa harap na rin ng pagtatayo ng mga condominium at iba;t ibang commercial buildings.

Kapag naging batas ang panukala, aatasan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR),  Department of Interior and Local Government (DILG) at  Department of Agriculture (DA) na siyang bumalangkas ng Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad nito. (Gail Mendoza)