Greta at Claudine, pinagdudahang may alitan!

Greta at Claudine, pinagdudahang may alitan!

March 15, 2023 @ 2:45 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Kapuna-punang wala si Claudine Barretto sa kasal ng pamangking si Dominique Cojuangco nitong March 6.

Wala rin ang kanilang inang si Mommy Inday.

Si Dominique ay unica hija ni Gretchen Barretto sa long-time partner nitong si Tony Boy.

Because of her conspicuous absence ay nagduda ang mga netizens na may alitang namamagitan kina Claudine at Gretchen.

Lalo pang tumibay ang sapantaha ng publiko nang hindi man lang nagpost si Claudine ng kanyang birthday greeting sa ate niya nitong March 6.

Gretchen turned 53.

Kakatwa raw ang ‘di pagbati ni Claudine sa kanyang Ate Gretchen gayong magkasunod na taon ay bumati pa ito noong 2021 at 2022.

Posting the same photo kung saan kayakap ni Claudine si Gretchen, tinawag pa niya itong beautiful and kind and wished her the best on her natal day.

Umugong tuloy ang palitan ng mga comments among the netizens na may hidwaan na naman daw ang mag-ate.

Balita rin kasing hindi imbitado si Claudine sa kasal ng pamangkin.

Physically absent din si Claudine nang ipagdiwang ni Gretchen ang kanyang kaarawan sa Solaire nitong March 6.

Tanging ang kapatid nilang si Jay-jay ang present sa selebrasyon.

Understandable naman daw kung wala sa nasabing okasyon ang isa pang kapatid na si Marjorie.

To this day kasi ay hindi pa nagkakasundo ang mga Barretto sisters na nagsagutan sa burol ng kanilang ama noong October 2019.

Nitong March 8 ay tumulak patungong Japan si Gretchen.

As for Claudine, sa halip na humabol kahit belated birthday greeting sa ate ang ipost ay mas ipinagmalaki pa niya ang pakikipagmiting ng manager niyang si Arnold Vegafria for a film project which the actress describes as “great.’ Ronnie Carrasco III