Greta, namaalam na sa showbiz!

Greta, namaalam na sa showbiz!

August 30, 2022 @ 10:37 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Gretchen Barretto sure knows when to make a grand exit.

Ang tuluyan nang pagtalikod ni Gretchen ang pinaksa sa online show na Showbiz Now Na.

It was Cristy Fermin who laid out the topic while fishing for reactions from her co-hosts Morly Alinio and Wendell Alvarez.

Ano raw ang masasabi ng mga ito sa pagku-quit ng aktres sa showbiz?

May halong lungkot na hatid ang balita.

Hindi lang kasi aktres si Gretchen, isa rin siyang pilantropo.

Isa ito sa mga nakakalungkot na dahilan sa likod ng kanyang retirement.

Pero at least daw, tumalikod si Gretchen sa panahong hindi siya nalaos, at maganda pa ring lumisan ng showbiz nang may iniwang alaala sa kanyang mga natulungan.

One admirable thing with Greta, hindi lang siya nag-reach out sa mga taga-showbiz tulad ng mga reporter at kapwa artista kundi sa ibang tao.

‘Ika nga, her generosity is not selective.

Kung tutuusin, marami sa mga artista ang nakakariwasa sa buhay, pero bukod tanging si Greta lang ang nakaisip mamahagi ng “love box.”

Pero siguro nga, at one point in any celebrity’s life ay sa pamamagitan ng pagreretiro niya matatagpuan ang inner peace.

Good luck on your decision, Gretchen! Ronnie Carrasco III