Gretchen Barretto, nag-public apology na

Gretchen Barretto, nag-public apology na

June 11, 2018 @ 3:46 PM 4 years ago


Sa panibagong Instagram live session naglabas na si Gretchen Barretto ng kaniyang public apology kasama ang mga kaibigan nito na sina Mimi Que at Patty Pineda matapos ang kanilang dinner sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Kasunod ito ng pambabash sa kanya at sa mga kaibigan niya dahil sa Instagram video na naging viral sa Facebook.

Sa video kasi na mula sa Instagram Live ng aktres at model mapapanood sila ng mga kaibigan niya na pinagtatawanan ang isang letter na ipinadala ng kanilang Instagram follower na humihingi ng tulong para sa kanyang mother-in-law.

Sa unang bahagi ng public apology, inako ni Gretchen at ng kanyang mga kaibigan ang kanilang pagkakamali.

Ani Gretchen, “Not everybody was pleased, not everybody understood what we were laughing about.

“And kung meron po kaming kasalanan dun, kung meron po akong kasalanan dun, tawa po ako nang tawa imbis na basahin ko po nang diretso ang letter.”

Patuloy pa ng aktres, “We all take responsibility for what we did.”

Sa huli, nag-sorry din ang dalawa pa nitong kaibigan. (Remate News Team)