Gretchen Ho, ninakawan ng bag ng sosyal na babae sa London

Gretchen Ho, ninakawan ng bag ng sosyal na babae sa London

August 3, 2018 @ 7:34 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ninakawan ng bag ang TV host na si  Gretchen Ho habang nagsho-shopping sa Oxford St., London.

Kuwento ng host sa isang panayam, nagsusukat siya ng damit sa isang store nang biglang nakawin ng isang sosyal na babae ang kaniyang bag.

Nakalagay lang aniya ang bag sa upuan na tinabunan pa niya ng ibang mga pinamili.

“Maganda siya. Sinasabi sa akin ng mga taga dito, madalas daw mukhang yayamanin ang mga nagnakaw, nakasuot pa ng suit,” dagdag ni Ho.

May lamang pera, passport, cellphone, at mga mahahalagang dokumento ang kaniyang bag.

Mabilis naman pina-block ng host ang kaniyang mga credit card.

Laking pasalamat naman host dahil to the rescue ang mga pamilyang Pinoy sa kaniya.

Si Ho ay nasa London para mag-cover sa Ride London na tinaguriang world’s biggest cycling festival.

“Kahapon kasi nag-decide ako mag-alone time kaya nga dapat maghanap na ako ng partner eh para may kasama,” pabiro niyang sagot sa kabila ng nangyari. Remate News Team