Gretchen, namudmod ng ayuda pero walang plano sa pulitika!

Gretchen, namudmod ng ayuda pero walang plano sa pulitika!

February 22, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Hindi lang mga kapwa artista at mga miyembro ng entertainment press ang patuloy na nakikinabang sa mga “love boxes” ni Gretchen Barretto.

Maging mga common tao ay kasama na ring nabibigyan ng tulong ng semi-retired actress.

Kasama ang kaibigang si Anna Abiera, in-upload ni Gretchen ang isang video kung saan inanunsyo niya ang ayuda para sa 3,300 pamilyang nasunugan nitong nakaraan lamang sa Palace Compound sa Cavite City.

Wala ni katiting na makeup ang maganda pa ring partner ni Tony Boy Cojuangco.

Bukod sa mga love boxes na ipinahanda na raw niya sa kanyang team ay kasama pa roon ang ilang gatas para sa mga bata at mineral water.

Hindi maaaring akusahang ginagamit ni Gretchen ang pagiging pilantropo para sa kanyng ambisyon sa pulitika.

It’s her sister Claudine who’s running for Councilor in Olongapo.

Marami nga ang pumupuri kay Gretchen dahil marunong daw itong mag-share ng kanyang mga blessings.

Is it politically correct to say na ang female counterpart ni Willie Revillame sa larangan ng pagtulong ay si Gretchen? Ronnie Carrasco III