Gretchen, sinabihang reyna ng online sabong!

Gretchen, sinabihang reyna ng online sabong!

August 4, 2021 @ 11:04 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Noong 2019, naging talk of the town ang feud ng Barretto sisters.

Katunayan, sa nasabing taon na ‘yun, ang kanilang bangayan ang itinuturing na top newsmaker of the year.

Ngayon naman, muling naging visible si Gretchen at kamakailan lang ay naging viral ang kanyang pagbabalik bilang isa sa hot topics sa social media.

Kahit hindi na aktibo sa showbiz, every time na umeeksena si Gretchen Barretto ay lagi siyang pinag-uusapan.

Recently, viral ang kumalat na video sa socmed kung saan ay hawak niya ang isang manok na pangsabong to grace an online sabong.

Makikitang kalapit niya ang best friend at business partner na si Atong Ang para alalayan siya.

Dahil dito,  hindi nakaligtas sa pambabatikos si Gretchen sa ilang netizens.

Anila, si Gretchen daw ang muse o reyna ng online sabong.

Hirit naman ng iba,  masamang ehemplo raw ang aktres dahil nagpo-promote ito ng nakakaadik na bisyo sa panahon ng pandemya.

Pagtatanggol naman ng ilan,  nag-grace lang daw ng event o nagpabuwenas bilang lucky charm ni Atong ang businesswoman.

Dagdag pa nila, may kinalaman din daw sa negosyo ang appearance ng dating aktres sa nasabing event.

Bukod kasi sa pagtratrabaho sa casino, tila bet na rin nitong pasukin nang iba pang uri ng sugal.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang online sabong dahil sa pamamalimos ng isang actor nang mapurnada ang kanyang kabuhayan dahil sa kanyang pagkalulong sa bisyo. Archie Liao


  •  
  •  
  •