Grizzlies kinatay ng Warriors

Grizzlies kinatay ng Warriors

May 8, 2022 @ 2:07 PM 2 months ago


SAN FRANCISCO — Umiskor si Stephen Curry ng 30 puntos, si Klay Thompson ay may 21 at siyam na rebounds at pinasara ng Golden State Warriors ang mga supporting cast ni Ja Morant upang ipahiya ang Memphis Grizzlies, 142-112, para sa 2- 1 lead sa Western Conference semifinals.
Nagbigay ng kalamangan ang 3-pointer ni Morant halftime buzzer para sa Grizzlies sa iskor na 64-57 sa break at nagbigay sa kanya ng 17 sa kanyang 34 puntos pagkatapos ng 47-point performance sa Game Two.

Ngunit hindi kayang gawin ni Morant ng mag-isa ang laban para sa Memphis dahil hatalang ininda nito ang kanyang kanang tuhod nang madapa sa ganap na 6:19 sa 2nd quarter.

Gumamit ang Golden State ng balanseng pag-atake at lakas para makuha nila ang panalo.

Umiskor si Jordan Poole ng 27 puntos mula sa bench at nagdagdag si Andrew Wiggins ng 17 puntos para sa Golden State, na gumamit ng 10-0 run out ng halftime upang kunin ang panalo.JC