Grizzlies, minani ang 57-points ni Harden

Grizzlies, minani ang 57-points ni Harden

March 21, 2019 @ 1:21 PM 3 years ago


Tennessee – Kahit na nakapagtala si James Harden ng 57 points, hindi pa rin ito naging sapat para buhatin ang Houston kontra Grizzlies, 126-125, sa overtime ng laban nitong Miyerkules.

Pinangunahan ni Mike Conley ang Memphis sa iskor na 35 points habang si Jonas Valanciunas ay nagpaulan naman ng 33, kabilang ang free throw na naghatid sa kanila ng pagkapanalo sa natitirang segundo.

Sa Houston, nagpakawala rin si Chris Paul ng 18 points at 7 assist habang si Clint Capela naman ay umambag ng 14 points at 10 rebounds.

Ang pagkatalo ng Houston ang nagpalasap sa kanila ng ikalawang pagkatalo sa huling 14 games.

Susunod na kakalabin ng Houston ang San Antonio Spurs habang susubukan naman daigin ng Grizzlies ang Orlando Magic sa Biyernes./Remate News Team