Groom at 12 wedding guests, patay sa minibus crash sa Vietnam

Groom at 12 wedding guests, patay sa minibus crash sa Vietnam

July 30, 2018 @ 4:42 PM 5 years ago


 

Hanoi, Vietnam – Patay ang 13 tao, habang 4 naman ang sugatan na sakay ng minibus kung saan papunta sana sa kasal matapos itong makasalpukan ang isang malaking container truck.

Kabilang sa nasabing aksidente ang groom at kanyang pamilya na nanggaling pa sa probinsya ng Quang Ti at bumyahe patungo sa bahay ng bride sa Binh Dinh ilang oras bago ganapin ang kasal.

“The accident killed ten of them instantly. Three, including the groom, died on the way to the hospital,” sabi sa isang statement ng gobyerno ng Vietnam tungkol sa aksidente.

Nagtamo ng minor injuries ang nagmamaneho ng truck na patuloy pang iniimbestigahan ng pulis.

Matatandaan na ang kadalasang aksidente sa Vietnam ay konektado sa trapiko dahil umano sa maluwag na pagpatutupad nito. (Remate News Team)