Groom ‘di na nakarating sa reception; dyip tumalon sa bangin

Groom ‘di na nakarating sa reception; dyip tumalon sa bangin

April 6, 2022 @ 6:45 AM 3 months ago


MARINDUQUE- PATAY ang tatlong katao kabilang ang groom at batang babae matapos tumalon sa bangin ang sinasakyan nilang jeep, Lunes sa bayan ng Torrijos.

Kinilala ang nasawi na si Engr. Alan Roldan, 26, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi kasama ang 10-anyos na batang babae.

No description available.

Ginagamot naman sa ospital ang 28 pang sakay ng jeep habang hawak naman ng pulisya ang driver ng jeep na kinilalang si Roderick Rigardo, nasa hustong gulang.

Batay sa paunang report ng Toririjos Police Station, galing ang mga biktima sa bayan ng Sta Cruz pagkatapos ng seremonya ng kasal at patungo na sana sila sa Barangay Buangan sa Torrijos, para naman sa venue ng kasal.

Pagdating sa Barangay Cagpo Torrijos, bigla na lamang hindi kumapit ang preno ni Ricardo at nahulog ang mga ito sa bangin na may lalim na 20 talampakan.

Agad na nasawi si Roldan at ng bata dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang nalagutan naman ng hininga ang isang pasahero pagdating sa ospital.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico