Groundbreaking ceremony ng dalawang tulay na itatayo sa Maynila, pinangunahan ni Pangulong Duterte

Groundbreaking ceremony ng dalawang tulay na itatayo sa Maynila, pinangunahan ni Pangulong Duterte

July 17, 2018 @ 6:24 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kahit malakas ang buhos ng ulan ay  pinangunahan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng dalawang tulay na itatayo  sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay ang P3.75 billion na Binondo-Intramuros bridge at Estrella-Pantaleon bridge na pinondohan ng Chinese government.

Ayon sa Chief Executive, maitatayo ang nasabing mga tulay sa loob lamang ng 30 buwan na mapakikinabangan ng mga motorista sa Maynila.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte ay kinilala nito bilang mabuting kapitbahay ang China na patuloy sa pagbibigay ng tulong sa bansa.

“I have had the honor of meeting President Xi and talked about a lot about friendships and cooperation. I would just like to tell everybody that in all of this discussions, China never ask for any, not even a one square of real estate in this country,” anito.

Ang kagandahan pa aniya nito ay walang hinihinging kapalit ang China sa kanilang pagtulong partikular na sa bahagi ng mga lupain na sakop ng bansa.

Kapansin-pansin na walang pinakawalang mga mabibigat na pananalita sa kabuuan ng kanyang speech ang Pangulo na tumagal lamang ng 7 minuto.

Samantala, present din sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Chinese Embassy sa pangunguna ni Ambassador Zhao Jinhua at si DPWH Sec. Mark Villar. (Kris Jose)