Groundbreaking ng bagong gusali ng NIA-UPRIIS, pinangunahan ni Antiporda

Groundbreaking ng bagong gusali ng NIA-UPRIIS, pinangunahan ni Antiporda

October 12, 2022 @ 5:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Administrator Benny D. Antiporda ng National Irrigation Administration (NIA) ang ground breaking ceremony para sa dalawang palapag na administration building ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS) sa lungsod ng Cabanatuan nitong Oktubre 5.

Ang nasabing gusali ay nasa Php53.8-million na itatayo sa loob ng 1,500 sqm. lot sa bakuran ng NIA-UPRIIS.

Ilan sa mga opisina na ilalagay dito ay ang Department Manager’s Office, dalawang opisina ng Division Manager, dalawang conference room at mga opisina para sa 152 na empleyado.

Ayon kay NIA-UPRIIS Department Manager, Engr. Rosalinda B. Bote, na makatutulong ito para sa ibayong paglilingkod ng ahensiya.

Abot naman ang pasasalamat ni Manager Bote kay Administrator Antiporda sa pag-apruba ng proyektong ito para sa may 152 empleyado ng Head Office, upang mas lalo pa nila aniyang mapagbuti ang pagseserbisyo sa mga Irrigators Associations. Elsa Navallo