Groundbreaking ng rehabilitasyon ng Marawi, naudlot muli

Groundbreaking ng rehabilitasyon ng Marawi, naudlot muli

July 12, 2018 @ 4:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Naudlot  na naman ang nakatakda sanang groundbreaking para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario, nabigo  kasi ang Bangon Marawi Consortium na makamit ang mga reqiurement sa financial, technical, at legal na aspeto.

Matatandaang nitong Hunyo 11  ang unang itinakda ng Task Force Bangon Marawi para sa  groundbreaking subalit hindi ito  natuloy at itinakda  sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Ngayong Hulyo ay naunsiyami na naman ayon kay Del Rosario kaya’t itinakda nila ito sa ikatlo o huling linggo ng Agosto.

Sa kabila ng pagkaantala ay nasusunod pa rin ng kanilang hanay ang timeline na matatapos ang rehabilitasyon sa December 2021.

Sa kabilang dako, sinabi ni Del Rosario na nakikipagnegosasyon na ang kanilang hanay sa kompanyang Power China dahil hindi na makakasama ang Bangon Marawi Consortium sa Marawi rehabilitation.

Tatalima ang Power China na 75 percent sa kanilang kukuning kompanyang ka-partner ay mga lokal o Pilipino, habang ang 25 percent na kompanya ang manggaling sa China. (Kris Jose)