Groundbreaking ng Samal-Davao bridge pangungunahan ni PBBM

Groundbreaking ng Samal-Davao bridge pangungunahan ni PBBM

October 26, 2022 @ 6:19 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang highly-anticipated groundbreaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) bridge project, inaasahan na magpapasigla sa turismo at economic progress sa Davao.

Ang Pangulo kasama ang iba pang national at local officials ay nakatakdang maging pangunahing panauhin sa nasabing event bukas, araw ng Huwebes, Oktubre 27.

Nangangahulugan nang pagsisimula ng pagtatayo ng P23-billion two-way, four-lane bridge ang naturang seremonya.

“Set to be built by engineering company China Road and Bridge Corporation (CRBC), the bridge, with a total length of 3.98 kilometers, will connect the Samal Circumferential Road in the Island Garden City of Samal to the R. Castillo –Daang Maharlika junction in Davao City,” ayon sa Malakanyang.

Sa oras na makompleto ito, inaasahan na iiksi ang travel time mula Davao City patungong Samal ng 30 minuto via ferry sa limang minuto na lamang.

Ang tulay ay itatayo sa loob ng limang taon at nakatakdang makompleto at maging operational sa 2027.

Ang konstruksyon ng tulay ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement na nagkakahalaga ng US$350 million o PHP18.67 million na pinasok ng Pilipinas at China.

Sakop ng Chinese loan ang 90% project cost.

Inaasahan naman na sasaksihan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang nasabing groundbreaking ceremony.

Maliban sa groundbreaking, nakatakda ring pangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance sa mga indibidwal na nasa krisis at iba pang tao na nangangailangan.

Inaasahan na bibisitahin ng Pangulo ang mga sundalo sa Eastern Mindanao Command upang pag-usapan ang mga usapin na may kinalaman sa military services. Kris Jose