Grupo ng abogado, inhinyero, nagpakita ng suporta sa BBM-Sara tandem

Grupo ng abogado, inhinyero, nagpakita ng suporta sa BBM-Sara tandem

March 21, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Suportado ng ibat-ibang parallel groups, sector at volunteers ang BBM-Sara tandem ng UniTeam para sa nalalapit na election 2022.

Kasabay ng panunumpa ng mga miyembro at opisyales sa Maynila na pinangunahan ni Engr. Faith Recto at sa ngalan ng kanilang Chairman Gov. Claude Bautista, ang samahan ay nagpakita ng kanilang mainit at solidong pagsuporta sa tambalang UniTeam BBM-Sara ang Ituloy ang Pagbabago Movement-Mahalin natin ang Pilipinas (IPM-MNAP).

Ang nasabing samahan ay binubuo ng ibat-ibang alyansa, grupo ng mga abogado, engineers, volunteers, businessman, grupo ng university owners at institusyon at iba pa na ngayon ay mayroon nang kabuuang 7,732,000 na rehistrado at verified members mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa isang press conference, sinabi ni Recto na ang lahat ay kapwa volunteer at walang hinihintay na kapalit.

Kung bakit si BBM-Sara ang kanilang sinusuportahan, sinabi ni Recto na dahil naniniwlaa ang kanilang samahan na ang nasabing tambalan ay ang “selfless leaders”.

“Kami po ay itutuloy ang pagbabago Movement, mahalin natin ang Pilipinas, totoong volunteers, lider dahil ang serbisyo at pagmamahaal namin sa bansang Pilipinas ay nanggagaling sa aming mga puso”, ani Recto.

“The IPM-MNAP strongly supports BBM0-Sara Uni team and exclusively only for them, for the tandem BBM-Sara, wala na pong iba”, dagdag pa niya.

Nagsimula umano ang 300 parallel groups na sumusuporta sa administrasyon Duterte noon pang 2016. Kung saan muli silang nagsama-sama ngayon para naman sa tambalang BBM-Sara.

Nilinaw ni Recto na ang kanilang pagsuporta naman sa Uni-Team ngayong 2022 election ay hindi umaasa o naghahangad ng kapalit lalo pa’t kasama ang isang construction company, ang Southern builders sa nagbigay ng ekslusibong suporta sa BBM-Sara na posibleng maiugnay naman sa “Build,Build,Build” project ng gobyerno.

Ayon kay Recto, kahit pa sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte ay walang natanggap o pinasok na proyekto ang nasabing kumpanya. RNT