Grupo ng mga magulang sa Comelec: Kabataan, Gabriela i-disqualify sa eleksyon

Grupo ng mga magulang sa Comelec: Kabataan, Gabriela i-disqualify sa eleksyon

July 22, 2021 @ 11:26 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kinalampag ng grupong League of Parents of the Philippines ang  punong tanggapan ng Commission on Elections o Comelec sa Intramuros, Maynila para aksyunan ang disqualification cases laban sa Kabataan Partylist maging sa Gabriela Women’s Partylist para sa Eleksyon 2022.

Ayon sa grupo, ang dalawang militanteng Partylist groups ay hindi dapat hayaan na makasabay sa eleksyon at makaupo sa Kamara.

Hinihikayat lamang umano ng partylist groups ang mga kabataan  at estudyante na mamundok, labanan ang gobyerno o sumapi sa makakaliwang grupo o sa CPP-NPA-NDF, na anila’y dapat na ituring ng mga terorista.

Ayon pa sa LPP, sa pamumuno ni Remedios Rosadio, ang militanteng partylist ay wala namang nagagawa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kaya sayang lamang ang pondo.

Anila para lamang sa mga organisasyon na tunay na kumakatawan sa marginalize sector, at hindi kumampi sa mga terorista ang Partylist system.

Umaasa naman ang LPP na maririnig ng Comelec ang kanilang hiling, at maglabas na ng pasya sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •