Bilyong pisong tenggang pondo, talupan-solon

August 18, 2022 @11:37 AM
Views:
3
Manila, Philippines – Ikinasa na rin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang imbestigasyon sa milyong bakuna sa COVID-19 na hindi nagamit at tuwirang nag-expired.
Ang House Resolution No. 191 ay inihain ni Libanan upang udyukan ang House Committee on Health na siyasatin ang aniya’y “disturbing reports” sa nabanggit na mga bakuna.
Nakakalungkot aniya na sa ibang parte ng bansa ay patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng may COVID-19 at mga naglilitawang iba’t ibang variants ng virus ngunit merong mga ganitong insidente na dapat sana ay naiwasan.
Tinukoy pa ni Libanan sa resolusyon ang target ng DOH na magsagawa ng COVID-19 booster shots sa may 11 milyon hanggang 23 milyon fully vaccinated sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit lumutang aniya ang mga ulat na mula Abril hanggang July ng taong ito ay may apat na milyon hanggang 27 milyong “unused ang expired doses” na nagkahahalaga ng P5 bilyon hanggang P13 bilyon ang masasayang lamang o nakatakdang itapon.
“Whereas, while there is a tolerable level of vaccine wastage, such reported unused and expired COVID-19 shots worth billion of pesos are beyond the estimated figures of tolerable vaccine wastage.”
Naniniwala si Libanan na dapat aksyunan ng gobyerno kung paano nagkaroon ng pagkasayang at kung paano ito maiiwasan.
“To strive for reduced COVID-19 vaccine wastage, to accurately and transparently report vaccine wastage, to identify causes of wastage and to implement effective intervention to reduce it.” Meliza Maluntag
Single-use plastic bubuwisan ng DOF

August 18, 2022 @11:25 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Target ng gobyerno ang pagbubuwis sa single-use plastics.
Sinabi ni Finance Undersecretary Zeno Ronald Abenoja, prayoridad ng administrasyon na makamit ang layunin na “sustainable development goals” kabilang na ang commitments na may kinalaman sa Paris Agreement.
“The discussions, the engagement with our partners, with congressmen and senators, are ongoing right now,” ani Abenoja sa isang EJAP-SMC Economic Forum.
“This is something that the government will pursue and collaborate with our legislators, crafting something that balances the need to raise revenues but also at the same time influence the behavior in terms of some of the activities that affect the environment,” dagdag na pahayag nito.
Pabor naman ang Department of Trade and Industry (DTI) sa intensyon ng panukalang batas na buwisan ang single-use plastic.
Pero ipinayo ng ahensya sa publiko na magsanay nang gumamit ng reusable bags, habang ang mga kumpanya ay pinayuhang maghanap ng alternatibong packaging. Kris Jose
Pagsasabatas ng foreign digital service providers VAT umarangaka sa Kamara

August 18, 2022 @11:12 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Gumulong na sa Kamara ang panukalang nagpapataw ng 12-percent value-added tax (VAT) sa mga dayuhang digital service provider (DSP).
Sa isang pagdinig, inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang House Bill No. 372, na naglalayong gawing patas ang playing field sa pagitan ng tradisyonal at digital na mga negosyo sa pamamagitan ng paglilinaw sa pagpataw ng VAT sa mga DSP.
Kasama sa mga digital services ang online na paglilisensya o software, mga update at add-on, mga filter at firewall ng website, mga mobile application, mga video game at online na laro, at mga webcast at webinar.
Kasama rin sa probisyon ang digital content, tulad ng musika, mga file, mga larawan, teksto, at impormasyon; online na mga puwang sa advertising; mga elektronikong pamilihan; mga serbisyo ng search engine; mga social network; database at pagho-host; at online na pagsasanay.
“The measure also aims to strengthen tax compliance through simplified invoicing and registration requirements for VAT-registered nonresident DSPs,” ani Albay Rep. Joey Salceda, na siyang awtor ng nasabing panukala.
Inaprubahan din ng panel ang iminungkahing Ease of Paying Taxes Act, na naglalayong bawasan ang mga kinakailangan sa dokumentaryo, payagan ang mga nagbabayad ng buwis na maghain ng kanilang mga pagbabalik sa anumang revenue district office, at alisin ang taunang bayarin sa pagpaparehistro ng nagbabayad ng buwis.
Sinabi ni Salceda, na namumuno sa House committee on ways and means, na ang panukalang-batas ay nagmumungkahi na magtatag ng isang taxpayer bill of rights at magtalaga ng isang taxpayer advocate office.
“The bill aims to simplify tax filing and payment, and address burdensome tax compliance which affects our small and medium enterprises and turns off our investors. We hope that this could reduce the tax gap, estimated to be PHP909 billion in 2018,” ani Salceda.
Ang panukalang-batas ay naglalayong i-segment ang mga nagbabayad ng buwis, upang pasimplehin ang mga form at mga kinakailangan para sa maliliit na nagbabayad ng buwis, payagan ang paghahain at pagbabayad ng mga buwis na maging portable, at pagtugmain ang dokumentasyon para sa pagpapatibay ng mga kredito sa VAT.
Nakakuha din ng pag-apruba ng panel ang PHP20-excise tax kada kilo ng single-use plastics proposal.
Ayon sa panukalang batas, magpapataw ng excise tax na PHP20 para sa bawat kilo ng plastic bag na inalis sa lugar ng produksyon o inilabas sa kustodiya ng Bureau of Customs.
Ang alokasyon ng mga nalikom, na tinatayang nasa PHP1 bilyon kada taon, ay gagamitin para sa pagpapatupad ng solid waste management, dagdag pa ng mambabatas. RNT
Hipon Girl, praktikal, tinanggap ang bahay na bigay ni Wilbert Tolentino!

August 18, 2022 @11:00 AM
Views:
14
Manila, Philippines – Napakaswerte naman ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene ‘Hipon’ Budol sa pagkakaroon niya ng manager sa katauhan ni Wilbert Tolentino. Grabe ang suportang ibiinibigay at ipinapakita nito sa kanya.
Sa pagsali ni Hipon sa Bnibining Pilipinas 2022 ay todo talaga ang suporta ni Sir Wilbert kay Hipon. Ginastusan niya ang dalaga mula sa training, sa ginamit na national costume at sa gown. Sobrang mahal ng mga ‘yun, huh! Balewala lang naman kay Sir Wilbert kung ginastusan man niya nang malaki si Hipon. Gusto niya talaga na manalo ito. At ayun nga, hindi man nakapag-uwi ng korona, at least, humakot naman ng special awards at first runner-up pa.
At ang pinakabongga sa lahat, binigyan ni Sir Wilbert ng house and lot si Hipon. Kaya naman sobrang pasasalamat ng komedyana sa kanyang mabait at generous na manager.
Sa bago niyang vlog sa YouTube na may titulong Bagong House and Lot ni Herlene Budol, ay paulit-ulit niyang pinasalamatan si Sir Wilbert.
“Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin (na sumali sa Binibining Pilipinas), ‘Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa iyo ito, e.’
“Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na nagkikita kami. Sinasabi niya sa akin, ‘Kaya mo iyan, ano ka ba?’”
At nang alukin nga siya ng manager na sumali sa Binibining Pilipinas kapalit ang isang bonggang bahay ay pumayag na siya.
“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko,” sabi pa ni Hipon. Rommel Placente
Sugar hoarding balak ikubli sa import order-ES Vic

August 18, 2022 @10:59 AM
Views:
14