Grupo ng vloggers, na-scam sa P500K!

Grupo ng vloggers, na-scam sa P500K!

August 18, 2022 @ 8:32 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Viral ngayon ang mga TikTok videos ng mga vloggers na sina Krissy Achino, Nico Locco, Eileen Gonzales, Yakki at Jelai Andres. Kalat na kasi sa socmed ang mga videos nila na kinunan sa Mount Banahaw, ang kontrobersiyal na bundok sa Quezon na sinasabing mystical at medyo creepy.

Sumali kasi ang grupo ng vloggers sa isang reality film na Kuta, directed by Omar Deroca, kung saan ay one week silang nag-stay sa Mount Banahaw hoping na may mahagip silang aswang o kakaibang elemento sa kanilang video. At kapag may na-capture silang kakaibang character ay mag-uuwi sila ng P500K.

Sabi nga ng isang vlogger na si Renerich Ocon, “talagang gigil na gigil ako na makakuha ng video ng aswang dahil I am a mother at wala na akong pera kaya kinarir ko talaga ‘yun.

“Naging positive ako. Bukod sa positive ako na ako sana ang makakuha ng P500K, naging positive thinker din ako para hindi ako lapitan ng mga masasamang elements at maging malakas ang energy ko.

“May pumasok nga na pusa sa room namin pero feeling ko hndi siya pusa.”

Sabi naman ni vlogger Nico Locck, “I survived. But I never heard the white lady. I never saw her. Before I went to Mount Banahaw, I learned a lot about aswang and I know how scary it is. They said they have actual sightings but I just enjoyed the reality movie.

“Pero hindi na ako babalik du’n. Ayoko na.

“I also didn’t get the money. Nobody got it.”

Sabi naman ng line producer na si Elaine Lozano, “Experimental ang movie. But thank God, all of the vloggers are alive after the filming of Kuta.”

Hindi naman sinabi ng line producer kung paano  na-scam ng premyong P500K ang mga vloggers.

Sinabi rin ni Elaine na may pagka-Blairwitch Project ang pelikulang Kuta dahil reality based nga ito.

Streaming na sa ktx.ph ang nasabing reality movie starting August 22 to 25, 2022. JP Ignacio