Grupo sinita si Tulfo sa pahayag na ‘wag tulungan Pinoy na sabit sa drug trafficking

Grupo sinita si Tulfo sa pahayag na ‘wag tulungan Pinoy na sabit sa drug trafficking

January 25, 2023 @ 10:43 AM 2 days ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkadismaya ang grupong Migrante-Hong Kong sa pahayag ni Senator Raffy Tulfo na hindi dapat tulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pinoy sa abroad na may kasong drug trafficking.

Ayon kay Dolores Balladares Pelaez ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE-HK) na hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang isang akusado, ito ay maituturing na inosente.

Dagdag pa niya na kadalasan sa mga nahuhuling Pinoy drug courier sa abroad ay nagamit lamang ng sindikato.

Tinukoy ni Pelaez ang kaso ni Mary Jane Veloso na walang kaalam-alam na iligal na droga pala ang pinabitbit sa kaniya ng kaniyang recruiter. RNT