Grupong Socialista nagprotesta; Pangakong P20/kilong bigas ipinaalala

Grupong Socialista nagprotesta; Pangakong P20/kilong bigas ipinaalala

July 4, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Socialista sa Mendiola, Maynila upang ipaalala ang pangako ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Isa sa naging pangako ng bagong Pangulo ng Republika ng Pilipinas na mapababa ang presyo ng bigas at ibaba din ang bayarin sa kuryente.

Kabilang din sa panawagan na  i-subsidize ang gasolina para hindi todong maapektuhan ang mamamayan  mula sa walang humpay ng pagtaas ng krudo  sa pandaigdigan  na bunsod sa nagaganap na  giyera ng Russia  at Ukraine.

Nagmartsa ang patungong Mendiola suot ang sako ng bigas at sash na P20 bilang pagpapakita ng kanilang panawagan na maibsan ang pasanin ng mamamayan.

Pinangunahan ito ni Ding Villasin, ang secretary general ng nasabing grupo.

Hiling ng grupo sa mga kamanggagawa, dapat magbantay at maging mapanuri sa mga kaganapan sa bansa.

“Walang ibang uri ang tunay na magkakalinga sa ating interest kundi tayong uri ng manggagawa”, sigaw pa ng grupo.

Nagsimula ang protesta alas 10 ng umaga at tumagal lamang ng 30 minuto bago mapayapang nilisan ng grupo ang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden