Grupong tututok sa isyu ng no contact, binuo ng LTO

Grupong tututok sa isyu ng no contact, binuo ng LTO

August 18, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumuo ng Technical Working Group (TWG) ang  Land Transportation Office (LTO) para tutukan ang pagresolba sa mga isyung nakapalibot sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) na pinatutupad ng ilang mga lokal na pamahaalan sa kalakhang maynila.

Kahit na may mga pag-uusap na ang mga lokal na pamahalaan kabilang ang Lungsod Quezon at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) pati na rin ang mga transport group, isang TWG pa rin ang itinatag sa layuning matiyak na magiging maayos ang kauuwian ng mga isyu sa palibot ng NCAP.

Magugunita na una nang nagsampa sa Korte Suprema ang mga transport group upang pigilan ang implementasyon ng NCAP.

Nagkaroon na rin ng serye dayalogo at diskusyon subalit hindi pa kuntento dito ang LTO.

Sinabi ni Land Transportation Office  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III tatalakayin ng TWG ang mga suhestyon at mga panukala ng mga may nais na mapabuti at mapaganda ang NCAP.

Bukas ang tanggapan sa posibilidad na maplantsa rin sa mga darating na araw ang anumang suliranin kaugnay sa pagpapatupad ng NCAP. ng ilang mga siyudad National Capital Region (NCR).

Umaasa naman ang LTO na mas magiging mas bukas ang mga lokal na pamahalaan sa mga mapagkakasunduang suhestyon sa mga suliranin ng ilang mga drayber at operator sa NCAP. Jan Sinocruz