GSIS hinimok na pumayag sa voluntary contributions ng elected o appointed public servants

GSIS hinimok na pumayag sa voluntary contributions ng elected o appointed public servants

February 27, 2023 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Government Service Insurance System (GSIS) na payagan na magbayad ng voluntary contributions ang lahat ng public officials at empleyado, elected man o appointed na may katumbas ng 15 taon kahit kapos ang bilang ng taong pagseserbisyo sa gobyerno.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na may pagkakaiba sa term limits ng elected officials at minimum requirement upang maging kuwalipikado sa pension program ng pamahalaan, na nababalewala ang serbisyong ginawa ng isang public servants.

“I appeal for our local officials and their staff who have served nine years in government but cannot qualify for the pension program due to the 15-year minimum service requirement under Republic Act 8291,” ayon kay Pimentel.

“I am saddened to learn that there are so many elected officials and public servants holding temporary and co-terminus status on the national and local levels who would retire without a retirement fund and pension only because they have not met the 15-year minimum service requirement,” dagdag niya.

Sinabi ni Pimentel na nakatakda sa Section 13-A ng RA 8291 na nagsasabing: “that a member who retires from the service shall be entitled to the retirement benefits provided that he has rendered at least 15 years of service.”

Ani Pimentel, masyadong unfair ang probisyon na ito para sa empleyado at elected officials na kinapos sa pinakamababang 15 taong service requirement.

Kaya dahil dito, inihayag ni Pimentel na maghahain siya ng kaukulang panukala kung kinakailangan ng basehang legal ng GSIS upang maisagawa ang naturang suhestiyon.

“I hope the GSIS can look into it and find possible ways to implement that option for local public servants,” aniya. Ernie Reyes