GSIS maglulunsad ng housing program para sa gov’t employees sa 2023

GSIS maglulunsad ng housing program para sa gov’t employees sa 2023

December 21, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Miyerkules na maglulunsad ito ng housing program para sa state workers sa susunod na taon.

Sa news release, sinabi ng state workers’ pension fund na lumagda ito ng memorandum of understanding (MOU) sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) noong Dsiyembre 21.

Target ng MOU na tulungang mabigyan ng bahay ang mahigit 6 milyong pamilya sa buong bansa sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program, base sa GSIS.

Kabilang din sa signatories ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines, at ang Development Bank of the Philippines.

Inihayag ng GSIS na nakapaloob sa MOU ang modes kung paano masusuportahan ng participating government financial institutions ang housing initiatives ng pamahalaan—bsa paglika o pagpapabuti ng sarili nilang housing programs, pag-develop ng housing projects, at pagbibigay-opsyon sa private sector at government employees na makuha ang ownership o rights sa developed housing units.

Sa ilalim ng programa, ang paggawad sa housing units ay sa pamamagitan ng lease rights para sa maximum na 100 years. 

Nangangahulugan ito na may karapatan ang awardees na magamit ang housing unit bilang tahanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwanang renta lamang.

Igagawad lamang ang sale of rights sa first-time homebuyers, Pag-IBIG Fund members, at minimum wage earners.

Sinabi naman ni GSIS president at general manager Wick Veloso na binibigyan ng kasunduan ng “safety net” ang mga hindi tapat na indibidwal.

“GSIS will adopt the same for government employees, the allocation for which will be based on the breakdown of our sectoral membership,” ani Veloso.

 “We are firming up the structure and will have it approved by the Board in January next year.” RNT/SA