Guanzon nabahala sa ‘cronies’

Guanzon nabahala sa ‘cronies’

February 4, 2023 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi mapigilan ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na ihayag ang kanyang pagkabahala hinggil sa anunsyo kamakailan ng Malacañang na inaprubahan nito ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO).

Para kay Guanzon, nanganganib mapuno ang opisina ng mga “kaibigan ng administrasyon”.

“They might pack this Office with incompetent cronies. Dami naka pila,” saad sa Twitter post ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner.

Subalit, hindi naman nagbanggit si Guanzon, ng pangalan ng itinuturing niyang “crony” ng kasalukuyang administrasyon.

Base sa Malacañang, pangangasiwaan ng WRMO ang water resources ng bansa.

Sinuportahan ni Guanzon ang  presidential bid ni dating vice president Leni Robredo noong May 2022 national elections. Natalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan si Robredo. RNT/SA