Guanzon nabiktima ng pekeng food order

Guanzon nabiktima ng pekeng food order

February 2, 2022 @ 12:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nabiktima si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ng pekeng food order sa kanyang huling araw sa opisina.

Sa ulat, nasa anim o pitong rider ang dumating sa opisina ng Comelec sa Palacio del Gobernador.

Nilinaw naman ni Guanzon na wala siyang inoorder sa ilalim ng kanyang pangalan.

Kalakip dito ang P5,390 halaga ng pagkain.

Maaalalang naging matunog ang pangalan ni Guanzon sa usapin ng disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/FGDC