Guanzon pumalag sa natanggap na batikos sa pagkikita nila nina Romualdez, Sandro

Guanzon pumalag sa natanggap na batikos sa pagkikita nila nina Romualdez, Sandro

May 15, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines Dinepensahan ni dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon ang pagkikita nila nina Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, pinsan ni presumptive president Bongbong Marcos, at pakikipagkamay kay Sandro Marcos nitong Sabado.

Sinabi ni Guanzon, na bahagi ng P3PWD partylist, na kinakailangan ng grupo na makipagtulungan sa ibang mga mambabatas.

“Mga [a]nak, wala tayong mapapasang batas and budget para sa mga PWD kung hindi tayo magtratrabaho with them. Hindi puwedeng kontra lang nang kontra,” saad sa Facebook post ni Guanzon, na aktibong nangampanya para kay Vice President Leni Robredo sa presidential race.

“Suportahan natin ang magagandang programa pero hindi magdadalawang isip na batikusin ang mali. Wala akong utang na loob sa kanila, kayo ang nagluklok sa akin dito,” aniya pa.

Binatikos si Guanzon dng netizens, bilang miyembro ng Partylist Coalition Foundation na nag-endorso kay Romualdez. 

Nilinaw naman niya na panauhin lamang siya sa pagtitipon. RNT/SA