Guanzon sasali sa minority bloc sa Kamara

Guanzon sasali sa minority bloc sa Kamara

June 24, 2022 @ 3:00 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni P3WD party-list Representative-elect Rowena Guanzon na sasali ito sa Minority Bloc sa House of Representatives sa pagbubukas ng 19th Congress.

Ayon kay Guanzon pangunahin sa kanyang isusulong ay ang pagkakaaroon ng mas malaking pondo para sa mga persons with disabilities(PWDs) at mga Pinoy na may sakit.

“I will join the minority just to make sure that the persons with disabilities and those with chronic illnesses will get our fair share in the government budget of government agencies especially Health, PAGCOR, DSWD, and PhilHealth,” paliwanag ni Guanzon.

Ipinaliwanag nito na kung aanib sya sa minority ay mas maraming komite itong masasalihan kabilang na ang sa health, social services, electoral reform at appropriations panel.

“Now, I am going in Congress in the minority so I can be in all these committees and they’ll know that I’m in business,”ani Guanzon kung saan tiniyak nito na isa sya sa mga magiging taga-usig sa Kamara.

Sa oras na maupo na sa 19th Congress, isa sa isusulong ni Guanzon ay pagkakaroon ng social pensions para sa PWDs at pagpapalakas ng PhilHealth coverage sa mga Pinoy na may mga malubhang sakit gayundin ang pagpapanukala ng isang batas na magmamandato sa LGUS na maglaan ng 5% ng kanilang income para sa concerns ng mga PWDs.

Samantala muling pinanindigan ni Guanzon na walang ethical issue sa kanyang pag-upo bilang First nominee ng P3PWD Partylist dahil ang registration process ng naturnag partylist ay dumaan kay Comelec Second Division Commissioner Socorro Inting at sumali ito sa grupo nang nagretiro na ito sa Comelec.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na pinayagan ng Comelec ang substitution ng nominees dahuil nangyari na din ito sa kaso ng Marino, Anakalusugan, SAGIP at Agimat Partylist. Gail Mendoza