Guanzon, tapos na kay Ruffa, may patutsada kay Juliana!

Guanzon, tapos na kay Ruffa, may patutsada kay Juliana!

July 16, 2022 @ 10:26 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Showbiz na showbiz na talaga ang peg ni dating Comelec commissioner at PWD partylist representative na si Rowena Guanzon.

Kamakailan lang, the feisty lawyer figured in a verbal tussle with Ruffa Gutierrez.

Base raw kasi sa kuwento ng kanyang kaibigan, may isang female celebrity na nagpalayas ng dalawang kasambahay at hindi pa sinuwelduhan.

Later na lang tinawag ni Guanzon ang atensyon ni Ruffa by posting, “Where is your compassion?”

Itinanggi naman ni Ruffa ang paratang dahil ang totoo raw, inaaway ng dalawang kasambahay na ‘yon ang kanilang mayordoma na naninilbihan na sa kanila ng maraming taon.

Duda ni Ruffa, smear campaign ‘yon dahil nataong ginagawa niya ang pelikulang Maid in Malacanang where she plays Imelda Marcos.

Nagkaroon din ng Tweeter war sina Guanzon at ang matapang na ina ni Ruffa na si Anabelle Rama.

This time around, ang tila pinagbalingan naman ni Guanzon ay si Juliana Pariscova.

Si Juliana ang kauna-unahang grand winner ng Miss Q & A sa It’s Showtime.

Nag-post kasi ito ng, “Pangit ka kasi kaya zerowena ka!”

Bagama’t wala namang binanggit na pangalan, Guanzon took offense at the post na nilakipan pa ni Juliana ng kanyang larawan when she won the contest.

Resbak ni Guanzon, kung ‘yun daw larawan na ‘yon ang basehan ng pagiging maganda, okey na raw na maging pangit.

Kilalang anti-BBM si Guanzon noong panahon ng kampanya.

Maka-BBM naman si Juliana na kung matatandaan ay may emote noon patungkol kay Angelica Panganiban na isang Robredo supporter.

Obyus na hindi well-versed si Guanzon sa gay lingo dahil ang ibig sabihin ng terminong “zerowena” ay zero o wala na dinugtungan lang ng Rowena.

Nagkataong Rowena ang first name ng palabang abogada. Ronnie Carrasco III