Gubernatorial bid ni Datu Pax Ali Mangudadatu sa Sultan Kudarat, hinarang ng Comelec en banc

Gubernatorial bid ni Datu Pax Ali Mangudadatu sa Sultan Kudarat, hinarang ng Comelec en banc

May 2, 2022 @ 6:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang petisyong nagkakansela sa certificate of candidacy (COC) ni Datu Pax Ali Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng Sultan Kudarat.

Nabatid na kasalukuyan kasing alkalde ng isang bayan sa Maguindanao si Mangudadatu.

Sa dokumentong inilabas sa media, sinabi ng poll body na bigo si Mangudadatu na magpresinta ng mga bagong isyu na magbabaligtad sa mga naunang findings.

“We find no cogent reason to disturb the findings of the Commission (First Division). Respondents merely reiterated his previous assertions before the Commission (First Division),” saad sa resolusyon.

Samantala, ang resolusyong nagbabasura sa motion for reconsideration ni Mangudadatu ay nilagdaan nina Comelec chairman Saidamen Pangarungan, at commissioners Marlon Casquejo, Socorro Inting, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

Oktubre 7 nang maghain si Mangudadatu ng kanyang kahit pa incumbent Mayor siya ng Datu Abdullah Sangki.

Giit pa ng Comelec, taliwas sa katotohanan ang pahayag ng alkalde na isang tao at walong buwan na siyang residente ng Sultan Kudarat.

Dahil kasalukuyan siyang alkalde sa isang bayan sa Maguindanao, ipinagpalagay ng en banc na residente pa rin siya sa nasabing probinsya hanggang sa matapos ang kanyang termino.

“Therefore, the Commission (First Division) correctly found that Respondent committed false material representation under Section 78 of the OEC in his subject COC,” saad pa ng Comelec.

“Moreover, respondent signed his COC, and subscribed and sworn to the veracity of his declarations therein, indicating that his false representations are deliberate, and will effectively mislead the electorate on his qualifications as Governor of Sultan Kudarat.” RNT/ JCM